Home NATIONWIDE 3 batas nakatakdang lagdaan ni PBBM sa Peb. 26

3 batas nakatakdang lagdaan ni PBBM sa Peb. 26

MANILA, Philippines- Nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tatlong mahahalagang batas sa darating na Lunes, Pebrero 26.

Sa isang liham mula sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) para sa Kamara, nakasaad dito na nakatakdang lagdaan ng Pangulo ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa isang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, Pebrero 26.

Matatandaang sinertipikahan ng Pangulo ang batas na ito bilang urgent noong Setyembre ng nakaraang taon, naglalayong tiyakin na ang Filipino seafarers ay patuloy na magkakaroon ng kalamangan mula sa kanilang foreign counterparts sa pamamagitan ng pagsasanay at akreditasyon.

Sakop nito ang mga Filipino seafarers “who are employed or engaged or work in any capacity onboard foreign-registered ships and Philippine-registered ships operating internationally.”

Hangad ng batas na tugunan ang kakulangan sa domestic laws vis-a-vis sa pagsunod ng bansa sa international maritime standards at kapakanan ng seafarers.

“This is to address recurring deficiencies in the domestic laws pertaining to the training and accreditation of thousands of Filipino seafarers, which endanger their employment in the European market in particular, and the global maritime arena, in general,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Natakda ring pirmahan ng Punong Ehekutibo ang batas na magkakaloob ng benepisyo para sa Filipino octogenarians at nonagenarians.

Sa ilalim ng batas, ang mga Filipino na umabot sa mga edad na 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap ng insentibo mula sa pamahalaan na nagkakahalaga ng P10,000.

Samantala, ang mga umabot naman sa edad na 100 ay makatatanggap pa rin ng P100,000.

Sa isang kalatas, sinabi ni Senador Imee Marcos na ang batas na ito ay mahalaga sa gitna ng tumataas na gastos ng pamumuhay at healthcare expenses para sa senior citizens.

“It is hoped that more of our elderly population may be able to benefit from the Centenarians Act and that they may be inspired to further prolong and enjoy their lives even beyond a century,” ayon sa senadora.

Sa ilalim ng batas, ang Philippine Statistics Authority (PSA), sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Communications Technology (ICT), at local government units, ay dapat na magtatag ng data management system recording na may kaugnayan sa impormasyon ng indibuiduwal na sakop.

Bukod sa mga ito, lalagdaan din ng Pangulo ang Tatak Pinoy o Proudly Filipino Act sa araw pa rin ng Lunes.

Hangad ng batas na ito na dalhin ang mga produktong gawa ng Pilipino at mga serbisyo.

Sa isang kalatas, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang Tatak Pinoy Act ay mahalagang hakbang tungo sa pagbabago ng ekonomiya sa pamamagitan ng paghikayat sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor at pagpapalakas ng competitiveness ng local enterprises.

Nakabalangkas sa nasabing batas ang isang “comprehensive strategy, setting the stage for formulating, financing, implementing, monitoring, and evaluating the Tatak Pinoy Strategy (TPS).”

Hinikayat nito ang produksyon ng iba’t iba, sophisticated, at high-quality Philippine-made products ng local enterprises na maaaring ilaban sa sa buong mundo. Kris Jose

Previous articleCSC sa gov’t agencies: Flexi work schemes pairalin vs mabigat na trapiko sa NCR
Next articleDHSUD lumikha ng programa para sa shelter assistance ng mga biktima ng kalamidad