Home METRO 3 big-time drug traffickers, arestado sa P3.1M shabu bust sa Calamba City

3 big-time drug traffickers, arestado sa P3.1M shabu bust sa Calamba City

305
0

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng anti-illegal drugs ang tatlong hinihinalang big-time trafficker sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Calamba City, Laguna noong Sabado at nasamsam ang mahigit P3.1 milyong halaga ng shabu.

Sa ulat ng Police Region 4A kahapon, lumabas na si Roni Libao, 25, at ang kanyang nakababatang kapatid na si Christian, 22, ay nadakip bandang 6:12 p.m. matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu ang isang undercover na pulis sa Barangay Turbina.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa magkapatid ang 8 plastic sachet ng shabu na may timbang na 405 gramo at tinatayang nasa P2,754,000 ang street value.

Nahuli rin ng parehong grupo ng nti-narcotics operatives si Jayson Muyna sa isa pang operasyon sa Barangay Halang, dakong 1:22 ng hapon.

Advertisement

Nakuha ng pulisya kay Muyna ang 4 sachet ng shab na may timbang na 53.75 gramo at halagang P365,500.

Nakumpiska rin ng mga operatiba ang dalawang mobile phone sa mga naarestong suspek na naglalaman ng mga rekord ng umano’y mga transaksyon sa droga.

Tinutunton ng pulisya ang pinagmulan ng iligal na droga.

Tinukoy ng ulat na ang tatlong suspek ay kasama sa drug watch list bilang “HVI” o mga high-value individual sa lokal na bentahan ng droga.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nats Taboy

Previous articleTraysikel vs motor: 5 todas, 5 sugatan sa Palawan
Next articleJulieVer, may death threat, nagpa-NBI!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here