Home HOME BANNER STORY 3 bihag ng Hamas aksidenteng napatay ng Israeli forces

3 bihag ng Hamas aksidenteng napatay ng Israeli forces

GAZA – Nagkamaling napatay ng Israeli military ang tatlong hostage na hawak ng Hamas sa Gaza.

Ang insidente ay “under review” o iniimbestigahan na ngayon, ayon sa isang military spokesperson.

Sinabi ng militar na ang mga hostage ay napatay sa pakikipaglaban sa mga militante sa Gaza at nagpahayag ng pakikiramay sa mga pamilya habang sinasabing magkakaroon ng “buong transparency” sa imbestigasyon sa insidente.

Ang isang pahayag mula sa militar ay nagsabi na sa panahon ng isang matinding labanan sa Gaza naituring na banta ang tatlong Israeli hostages.

“As a result, the troops fired toward them and they were killed.”

Nitong mga nakaraang araw ay nakipag-giyera muli ang Israel sa mga militanteng Hamas, na kadalasang nagsusuot ng kaswal na damit na sibilyan.

Mahigit 100 hostages ang nananatili pa rin sa Gaza. Ang ilan ay idineklara nang dead in absentia ng mga awtoridad ng Israel.

Noong Biyernes, sinabi ng militar ng Israel na narekober nito ang mga bangkay ng tatlong Israeli – isang sibilyan at dalawang sundalo – na hawak ng Hamas sa Gaza Strip. RNT

Previous article3 tusta sa sunog sa Molo, Iloilo
Next articleMalta, Albania lumagda ng bilateral labor deal sa Pinas