Home HOME BANNER STORY 3 bus nalibing sa landslide!

3 bus nalibing sa landslide!

MANILA, Philippines- Natabunan ang tatlong bus sakay ang mga empleyado ng isang mining company nang gumuho ang lupa sa Maco, Davao de Oro.

Kinumpirma ni Edward Macapili, executive assistant on information and communications ng Davao de Oro, ang nasabing impormasyon.

Pauwi na umano ang mga manggagawa nang maganap ang landslide sa Zone 1, Masara.

Hanggang alas-10 ng gabi ay walong indbidwal na ang nasagip.

Nagtalaga na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office/ Emergency Operations Center ng Davao de Oro ng mountain search and rescue (MOSAR) team upang tulungan ang Maco MDRRMO at iba pang teams.

“We’ll update the public as soon as reports from the ground will be submitted to the PDRRMO,” saad sa post ng provincial government sa Facebook.

“Let’s continue to pray for the affected people and to respond to our responders in the province,” dagdag nito. RNT/SA

Previous articleDILG sa LGUs: Ban sa trikes, pedicabs sa mga highway pairalin
Next articleForced evacuation ipinatupad sa ilang barangay sa Maco, Davao de Oro sa landslides; Butuan City sa baha