3 “dagang dingding” tiklo sa shabu sa kamposanto  

3 “dagang dingding” tiklo sa shabu sa kamposanto  

June 29, 2020 @ 7:40 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Navotas City – Tatlong sabit sa droga ang nasakote sa buy-bust operation sa loob ng isang sementeryo kagabi.

Kinilala ang mga naarestong mga suspek na sina Ramil Quinabato alyas “Ramil Mata,” 40; Lito Del Pilar, 43; at Cedrick Macdon, 26, pawang ng Bagong Silang St., Brgy. San Jose.

Dakong alas-9:20 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa loob ng Navotas Cemetery sa Gov. Pascual St., Brgy. San Jose.

Nang tanggapin ng mga suspek ang P300 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 1.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P10,200.00 ang halaga, P200 bill at buy-bust money. Merly Iral

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...