Home METRO 3 durugista huli sa drug den

3 durugista huli sa drug den

SANTIAGO CITY-Huli sa akto ang tatlong katao na naaktuhang bumabatak ng shabu sa loob ng isang drug den sa ikinasang drug buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Isabela, Station 3 ng Santiago City Police Office at Santiago City Mobile Force Company sa Brgy. Rosario dito sa nasabing lungsod.

Dakong 11:00 kagabi nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng tatlong suspek na kinilalang sina Arvin David, 44-anyos, welder, residente ng Brgy Victory Norte, Santiago City; Joseph Rosendo, 41-anyos, painter, residente ng Brgy. Rosario, Santiago City at isang Jeffrey Catacutan, 41-anyos, sales marketing at tubong Cabanatuan City.

Nakumpiska mula sa loob ng drug den ang pake-pakete ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at iba pang mga gamit ng suspek.

Kasama rin sa nakumpiska ng mga otoridad ang isang 1,000 peso bill na ginamit ng poseur buyer bilang buybust money.

Bumungad pa sa mga operatiba ang nakakasulasok na amoy na nagmumula sa loob ng bahay na ginawang drug den at basurahan ng tatlong nahuling suspek.

Nahaharap ang tatlong adik sa kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, labis na ipinagtataka ng mga residente kung bakit hindi maubos-ubos ang supplay ng droga sa lungsod kung saan ay halos araw araw na may nahuhuli sa kabila ng pinaigting na kampaya sa illegal drugs ng pamahalaan. Rey Velasco

Previous articleEpekto ng climate change dama ng mayorya ng Pinoy ngayong taon – sarbey
Next articleMilyong miyembro ng PhilHealth sapul ng cyberattack!