Home METRO 3 durugista laglag sa P200K shabu sa Malabon buy bust

3 durugista laglag sa P200K shabu sa Malabon buy bust

MANILA, Philippines- Nasabat ng pulisya ang mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa tatlong bagong identified drug personalities matapos madakma sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong mga suspek na sina Raymond Sabado alyas “Emong”, 23, fish vendor ng Brgy. Longos, Reydan Velasco alyas “Kwatog”, 45, construction worker ng Dagat-Dagtan, Brgy. 14 at Jhonatan Balote alyas “Tantan”, 27, shuttle van driver ng Salmon St., Brgy. 8, kapwa ng Caloocan City.

Sa report ni Col. Tangonan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa illegal drug activities ni Sabado at Velasco kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

Nang positibo ang ulat, agad nagsagawa ang SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt Jonas Gato ng buy-bust operation sa Dr. P. Lascano St. corner P. Aquino St., Brgy. Tugatog na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos magsabwatan na bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, dakong alas-5:30 ng madaling araw.

Kasama ring dinakip ng mga operatiba si Balote nang makuhanan ng isang plastic sachet ng shabu na umabot sa humigit-kumulang 29.55 gramo na may standard drug price value na P200,940 ang nakumpiska sa mga suspek at buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura

Previous articleOnline training bilang paghahanda sa BSKE 2023 inilunsad ng PNP
Next article75% ng mga Pinoy ‘competent’ sa wikang Filipino;  47% sa Ingles – sarbey