Home METRO 3 durugista timbog sa P1.9-M shabu

3 durugista timbog sa P1.9-M shabu

ILOILO CITY – Nasakote ng pulisya ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Santo Niño Norte, Arevalo District dito noong Martes, Pebrero 26.

Nakuha mula sa mga suspek – sina Ronald, Rodalyn, at Jhemmark – ang 280 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.9 milyon at isang baril.

Target ng operasyon sa pangunguna ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Police Regional Office-6 ang 41-anyos na si Ronald, isang high-value drug suspect.

Pinuri ng PRO-6 ang operasyon na sinuportahan ng Iloilo City Police Office-City Drug Enforcement Unit at ng ICPO-Arevalo Police Station. RNT

Previous articleMaharlika Investment Corporation, bawal sa mga dayuhan
Next articleKapitbahay pinagkamalang mangkukulam tinaga sa ulo!