Home METRO 3 estudyante nalunod sa ilog sa Davao

3 estudyante nalunod sa ilog sa Davao

MANILA, Philippines – Tatlong estudyante ang nalunod sa Liloan River sa Barangay Mandung, Davao City nitong Biyernes, Nobyembre 24.

Kinilala ng Davao City Police Office (DCPO) ang mga biktima na sina Takeshe Sanico, 13; Kian Carlo Bituin, 12; at Jeric Redulla, 12, mga mag-aaral mula sa Buhangin Central Elementary School.

Sa imbestigasyon, umalis sa klase ang mga biktima at dalawa pa nitong kaibigan para maligo sa ilog.

Dagdag ng pulisya, naligo sa ilog ang apat sa kanila hanggang sa tangayin ang mga ito sa lakas ng agos.

Isa lamang sa mga estudyante ang nakaligtas. RNT/JGC

Previous articleAngelica Cervantes, umaming tibo!
Next articleDiego, ayaw magpatali!