Home METRO 3 estudyante nalunod sa ilog!

3 estudyante nalunod sa ilog!

MANILA, Philippines- Patay ang tatlong menor-de-edad na estudyante nang malunod ang mga ito habang naliligo sa ilog sa Mandug, Davao City. Batay sa ulat, oras nang klase nang maganap ang insidente.

Kinilala ang mga biktima na sina Takie Sanico, 13-anyos; Kian Bituin, 12, at Jeric Redulla, 12.

Base sa ulat, may dalawang bata na nagpasaklolo subalit pagdating ng mga rumesponde sa lugar ay wala na ang mga ito.

Makalipas ang ilang minuto, isa-isang naiahon ang mga bata mula sa ilog. Agad silang nilapatan ng first aid o cardiopulmonary resuscitation bago dalhin sa ospital pero idineklara silang dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon, hindi umano pumasok sa klase ang mga biktima, ayon kay  Davao City Police Office Spokesperson Police Captain Hazel Tuazon.

“Without permissions sa ilang teacher then ang ilang ginikanan wala pud nakabalo nga mangaligo sila anang sapa,” paglalahad niya.

Mataas din umano ang tubig at malakas ang agos sa ilog nang mangyari ang insidente.

Tinatalupan pa ng mga awtoridad kung may pananagutan ang paaralan sa insidente.

Iginiit ni Tuazon na dapat paalalahanan ng mga guro ang mga estudyante na manatili sa eskwelahan tuwing oras ng klase. RNT/SA

Previous article40 vessels lalahok sa Christmas convoy sa WPS
Next articleOVP spox Munsayac itinalagang DepEd Asec