Home NATIONWIDE 3 Filipino seafarer na nasaktan sa nasirang Russian missile, ligtas – DMW

3 Filipino seafarer na nasaktan sa nasirang Russian missile, ligtas – DMW

MANILA, Philippines – Ligtas na ang tatlong Filipino seafarer na nasaktan matapos masira ng Russian missile ang kanilang Liberian-flagged civilian vessel sa Black Sea, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na isa sa mga apektadong Filipino seafarer na isang engine trainee ay may bali sa kaliwang kamay at ginagamot sa ospital.

Ang dalawa pa — ang kapitan ng barko at ang ikatlong kasama — ay nagdusa lamang ng minor injuries at “ligtas at maayos” habang nasa barko pa rin.

Ayon kay Cacdac, nagkataon aniya na nasa bridge ang mga seafarer kung saan nagkaroon ng impact nung missle pero sila ay malayo upang nagtamo ng major injuries.

Sinabi ni Cacdac na ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ay nakikipag-ugnayan na sa manning agency upang matukoy kung kailangang silang irepatriate.

Dagdag pa na naabisuhan na rin ang mga pamilya ng sugatang Pilipino kaugnay sa kanilang sitwasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRegulasyon sa paglabag ng e-vehicles sa batas-trapiko, isinusulong ng solon
Next articleAmerican national, arestado sa marijuana