Home METRO 3 foreigner, 2 Pinoy tiklo sa crypto scam sa Pasig

3 foreigner, 2 Pinoy tiklo sa crypto scam sa Pasig

458
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang Pinoy, dalawang Israelis at isang Amerikano sa Pasig City dahil sa kaugnayan umano ng mga ito sa cyptocurrency scam, sinabi ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (ACG) nitong Huwebes, Mayo 18.

Sa pahayag, kinilala ng ACG ang mga inaresto na sina Marie Mizukami at Krizzia Garcia, mga Pinoy; Israelis na sina Shay Semo at Chen Keren; at American national na si Aron Dermer.

Ang lima ay inaresto ng mga awtoridad makaraang magpatupad ito ng search warrant na inisyu ni Judge Andres Bartolome Soriano ng Makati City Regional Trial Court Branch 148.

Ayon sa ACG, ang dalawang Pinoy ay nahuling nagsasagawa ng online fraud at chatting scripts at nakikipag-usap din, na makikita sa kanilang system units sa ikalawang palapag ng ginamit na establisyimento.

Samantala, sinabi pa ng ACG na tatlong dayuhan ang naaresto naman sa pangangasiwa at pagmamay-ari ng illegal na establisyimento.

Ang operasyon ng pulisya ay nag-ugat sa impormasyon ng isang “Amere” na mayroon umanong mga dayuhan na nagmamay-ari ng illegal na establisyimento at nagpapatakbo ng cryptocurrency scam.

Mahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa
Cybercrime Prevention Act of 2012. RNT/JGC

Previous articlePH, Kuwait nag-usap na sa mga isyu ng migrant workers
Next articleNetizens, pabor sa hanash ni Ethel B!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here