Home METRO 3 kelot timbog sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay at P’que

3 kelot timbog sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay at P’que

MANILA, Philippines – Tatlong kalalakihan na nahaharap sa mga kasong attempted homicide at theft ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa mga lungsod ng Paranaque at Pasay.

Sa Parañaque City ay nadakip ang tinaguriang Top 7 most wanted person sa district level na si Francis Mabansag, 44, na nahaharap sa kasong attempted homicide.

Nadakip si Mabansag dakong ala 1:30 ng hapon nitong Biyernes (Pebrero 16) sa Barangay BF Homes, Parañaque City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nitong Enero 10, 2024 ni Judge Madeline Bona Mendoza-Guinto ng Parañaque Metropolitan Trial Court (METC) Branch 87.

Ang mga suspects naman na nakilala lamang sa alyas Perci, 35, karpintero at alyas Ed, 34, tricycle driver, na nahaharap sa kasong theft ay nasakote sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police dakong alas 4:00 ng hapon ng Pebrero 14 sa kahabaan ng Tramo Street, Barangay 57, sa lungsod.

Sinabi ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr., sina alyas Perci at alyas Ed ay dinampot ng mga tauhan ng WSS bunsod sa warrant of arrest na inilabas ni Pasay City Municipal Trial Court (MTC) Judge Vladimir Berla Serohijos Daral ng Branch 165 nitong nakaraang Pebrero 1, 2024 na may kaakibat na rekomendasyon na piyansa na nagkakahalaga ng P6,000 sa bawat isa sa kanila. (James I. Catapusan)

Previous articlePinakamataas na pagkilala iginawad kay Tagle ng Pransya
Next articleRotational deployment sa WPS ‘di ginawa para mag-provoke – PCG