Home HOME BANNER STORY 3 lalaking lulan ng tricycle niratrat, todas!

3 lalaking lulan ng tricycle niratrat, todas!

Larawan kuha ni Jun Mestica

Bulacan- Todas ang tatlong kalalakihan matapos umanong paulanan ng bala ng mga hindi nakilalang salarin sa bayan ng San Ildefonso.

Batay sa inisyal na impormasyon, lulan ng tricycle ang tatlong biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Purok 7, Brgy. Basuit, bandang alas-6:10 ng umaga nitong Sabado, Marso 16.

Ayon pa sa impormasyon, hinabol pa ng mga sinasabing salarin ang tricycle hanggang sa maabutan at pagbabarilin ito na agaran nilang ikinamatay.

Ilang mga residenteng namimitas ng kanilang pananim ang nakarinig ng mga putok ng baril sa nangyaring insidente.

Habang sinusulat ito, may impormasyong nakitaan umano ng mga pulis ng used electrical wires ang loob ng tricycle na sinakyan ng mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo, pagkakakilanlan ng mga biktima at mga suspek sa naturang krimen. Dick Mirasol III

Previous articleDOH nagbabala vs red tide
Next articleMarcos: PH gov’t ‘committed’ sa pagsusulong ng kapakanan ng OFWs sa Czech Republic