Home HOME BANNER STORY 3 LTO employees kalaboso sa pagpuslit ng unregistered plates; 1 pa tinutugis

3 LTO employees kalaboso sa pagpuslit ng unregistered plates; 1 pa tinutugis

Arestado ang tatlong tauhan ng Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes matapos mahuling nagnanakaw ng mga plaka muka sa Plate Making Plant ng ahensya sa Quezon City. Kinilala ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang mga naarestong suspek na sina Jenard Arida at Arjay Anasco, embossers; at warehouse staff Valeriano Nerizon, kapwa nagtatrabaho sa Plate Making Plant sa LTO Central Office sa Quezon City. Danny Querubin

MANILA, Philippines- Sinabi ng Land Transportation Office (LTO) nitong Biyernes na arestado ang tatlong empleyado nito sa umano’y pagpupuslit ng unregistered plates mula sa kanilang Central Office.

Inihayag ni LTO intelligence and investigation division head Renante Militante na nagsasagawa ng briefing ang ahensya at mga kaukulang awtoridad nang makatanggap sila ng impormasyong ipupuslit ang mga plaka.

“Nandito naman po kahapon ang operating team ng special project ni DILG (Department of the Interior and Local Government) so nagkasa po agad ng operasyon,” anang opisyal.

Tinutugis pa ang isa ring empleyado, na itinuturong pinuno ng grupo, ayon sa LTO.

Nagtatrabaho ang apat na suspek sa LTO sa ilalim ng job order, ayon kay Militante. Mula 2018 pa ay nasa LTO na ang umano’y pinuno ng grupo habang ang iba ay noong 2019 at 2020.

Ani Militante, iniimbestigahan ng LTO ang naiulat na pagpupuslit ng unregistered plates na isang taon nang nangyayari, subalit nito lamang Enero natuklasan nang magsumbong ang isang empleyado.

Base kay Militante, nakakuha rin ang LTO ng CCTV footage na magdidiin sa mga suspek.

“Ito naman pong leader nila, nakita po sa CCTV kung paano nilalabas ng planta na tinatago at isinusuksok sa likod and then nilalagay po sa box ng motor. Tapos kapag off duty na, dala-dala niya na,” paglalahad niya.

Nakatakdang maghain ng kaukulang kaso laban sa tatlong naarestong suspek.

Batay sa police investigation, sinabi ni Militante na ibinebenta ang mga plaka sa halagang P5,000 hanggang P10,000.

Mula January 6 hanggang 10, halos 38 plaka na ang naipuslit. Magsasagawa ang LTO ng audit sa mga plaka mula 2018, sa taong pumasok ang umano’y lider ng grupo sa  LTO.

Inihayag naman ni LTO chief Vigor Mendoza II na magsasagawa rin ang ahensya ng imbestigasyon sa kanilang regional offices upang matukoy kung nagaganap ang parehong anomalya sa mga ito.

Aalamin din ng ahensya agency kung mayroon pang ibang empleyado na sangkot sa modus. RNT/SA

Previous articleDOTr bukas sa kompromiso sa PUV modernization subalit nanindigan sa franchise consolidation
Next articlePalasyo tikom sa hiwalay na pulong ni Marcos sa Kamara, Senado