Home METRO 3 most wanted, 8 pa nadakma sa Bulacan

3 most wanted, 8 pa nadakma sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang tatlong Most Wanted Person (MWP) matapos silbihan ng warrant sa magdamag at magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigang ito.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL Relly Arnedo, kinilala ang tatlong naaresto na sina Romnick Rey, Municipal Level-MWP of Balagtas sa Rape (3 counts); Jennifer Gonzales, Municipal Level-MWP ng Bulacan sa BP 22 (37 counts) at Harold Advincula, City Level-MWP of San Jose Del Monte (SJDM) sa Cyber Crime Prevention Act of 2012 (RA 10175).

Kaugnay nito, walo pang indibidwal na wanted na ibat’ ibang krimen ang naaresto ng tracker teams ng Hagonoy, Sta. Maria, Balagtas, SJDM, Baliwag, Obando at Bocaue police.

Kasalukuyang silang nasa kustodiya ng mga umarestong yunit para sa kaukulang disposisyon. Dick Mirasol III

Previous articleHigit 6K magsasaka na apektado ng pagbaha, pagguho ng lupa sa Davao Region
Next articleMga nakaligtas sa Mamasapano clash ‘wag ding kalimutan – Train