Home METRO 3 nagpanggap na tauhan ng senador abswelto sa estafa

3 nagpanggap na tauhan ng senador abswelto sa estafa

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court-Branch 115 ang estafa case laban sa mga indibidwal na nagpanggap umanong staff members ni Senator Sherwin Gatchalian para mangikil.

Ayon sa ulat nitong Miyerkules, walang nakitang sapat na ebidensya ang korte upang madiin sina Dina Joson Castro, Ma Luisa Barlan, at isa pang naarestong indibidwal.

Ipinag-utos na ng korte sa National Bureau of Investigation (NBI) na palayain ang tatlo.

Samantala, magpapatuloy ang kasong estafa laban kina Ryan Lester Dino at isa pang suspek.

Sa ulat noong Nobyembre, nahuli si Dino na mayroong identification card na nagsasaad na nagtatrabaho siya sa opisina ni Senator Sherwin Gatchalian.

Ayon sa umano’y biktima, hiningan siya ng mga suspek ng P500,000 kapalit ng landfill supply contract para sa isang reclamation sa Pasay City. Inakusahan naman ng isa pang umano’y biktima na kinilalang si Modesto Gubaton, ang mga suspek ng pangingikil ng P700,000 mula sa kanya.

Kinondena ni Gatchalian ang insidente, kabilang ang pagpapanggap ng mga indibidwal  na parte ng kanyang staff para magsagawa ng mga krimen. RNT/SA

Previous articleDefensive capabilities ng PAF paiigtingin ng bagong radar system mula sa Japan
Next articlePNP: Focus crimes bumaba mula Sept. 1 ‘gang Dec. 19