Home NATIONWIDE 3 Palestinians sa Gaza, patay sa airstrike ng Israel

3 Palestinians sa Gaza, patay sa airstrike ng Israel

GAZA – Patay ang tatlong Palestinians sa aistrike na inilunsad ng Israel military nitong Sabado, Enero 27 target ang Hamas sa southern Gaza.

Ito ay isang araw lamang matapos ang utos ng International Court of Justice sa Israel na gawin ang lahat upang maiwasang may mamatay o may mapinsala sa naturang lugar.

Inaasahang gigisahin ang military ng Israel kasunod ng utos ng United Nations court na magpasa ito ng compliance report.

Matatandaan na nag-ugat ang gyera sa pagitan ng Israel at Hamas dahil sa pag-atake ng ikalawa noong Oktubre 7 sa southern Israel.

Sa kasalukuyan ay aabot na sa mahigit 26,000 Palestinians ang nasawi sa Israel-Hamas war, na opensiba ng Israel sa nangyaring pag-atake noong Oktubre 7.

Sa nakalipas lamang na araw, ayon sa Health Ministry sa Gaza ay nasa 174 Palestinians na agad ang nasawi. Malaking bahagi sa mga ito ay mga bata at babae.

Itinuturo naman ng Israel ang Hamas na responsable sa pagkamatay ng mga sibilyan dahil humahalo ang mga ito sa local population. RNT/JGC

Previous articleSalceda muling hinirang na ‘advisor for int’l affairs’ ng Incheon
Next articleDinagyang Festival maging paalala sa pagprotekta ng pagkakakilanlan ng mga Filipino – PBBM