Home METRO 3 parak patay sa engkwentro sa crime group  

3 parak patay sa engkwentro sa crime group  

TACLOBAN CITY- Patay ang tatlong pulis habang sugatan ang apat pa sa engkwentro sa isang gang sa Barangay Mahayag, Santa Margarita, Samar nitong Martes.

Nasawi ang isang police master sergeant mula sa Regional Mobile Force Battalion, isang staff sergeant, at isang corporal mula sa 1st Provincial Mobile Force Company sa Samar.

Sugatan din ang dalawang corporal at dalawang patrolmen sa pakikipagbakbakan sa Ampoan Criminal Gang sa pamumuno ni Edito Ampoan Jr.

Sinisilbihan ng mga pulis ng warrant of arrest si Ampoan sa kasng murder na inilabas noong May 12, 2014 ng  Calbayog City Regional Trial Court Branch 32 nang paputukan ng kanyang grupo ang mga awtoridad.

Matatagpuan ang kuta ni Ampoan sa bulubunduking lugar 15 kilometro mula sa bayan.

Nagsialisan naman ang mag residente sa lugar ay kasalukuyang nananatili sa municipal sports center dahil sa sagupaan. RNT/SA

Previous articleKagawad todas sa pamamaril!
Next article‘Cyberspace, information warfare’ kasado sa US, PH ‘Balikatan’ 2024