Home METRO 3 parak sa Western Visayas positibo sa droga

3 parak sa Western Visayas positibo sa droga

NEGROS OCCIDENTAL- NANGANGANIB na masibak na serbisyo ang 3 kasapi ng Police Regional Office 6 (Western Visayas) sa mahigit 13,000 organic PNP member matapos magpositibo sa isinagawang serye ng random drug test ng regional headquarters nitong Huwebes.

Ayon kay PRO 6 director Brig. gen. Sidney N. Villaflor, hindi na muna pinangalanan ang mga nagpositibo sa ginawa nilang drug kung saan tig isa sa Negros Occidental, Capiz, at Antique at ngay nasa restricted status ang mga ito habang nasa holding area ng regional headquarters.

Aniya, nabigyan ng pagkakataon ang tatlo sa loob ng 15 araw paglabas ng kanilang drug test na muli silang sumailalim sa re-confirmatory test.

Sinabi pa ni Villaflor, na nagpapatuloy ang drug test sa rehiyon alinsunod sa internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP).

Sa huling random testing noong Sept. 24, 2023, naabot na nila ang 100 percent coverage ng kanilang mga organic personnel, bagamat may iilang miyembro na kritikal ang sitwasyon ay hindi maaaring sumailalim sa drug test.

Base sa datos na ibinigay ng PRO6 Regional Public Information Office (RPIO), ang mga sumailalim sa drug testing ay binubuo ng police commissioned officers (PCO) at non-uniformed personnel na may tig-pito, at 46 police non-commissioned officers (PNCO.)/Mary Anne Sapico

Previous articleEbidensya vs parak na namaril sa Malabon, malakas – NPD chief
Next article5 timbog sa buy-bust at pot session