FRANCE – Sinalakay ng isang lalaking armado ng kutsilyo ang grupo ng mga batang preschooler na naglalaro lang sa tabi ng lawa sa French Alps.
Nagresulta ito sa pagkasugat ng tatlong bata at isang biktimang nasa hustong gulang.
Naaresto naman ang suspek sa pinangyarihan sa bayan ng Annecy matapos ang pag-atake dakong 9:45 ng umaga (0745 GMT).
Sinabi niya sa pulisya na ang suspek ay isang Syrian asylum seeker.
Sa ngayon ay nasa kritikal na kondisyon ang dalawa sa mga batang biktima—na pinaniniwalaang nasa edad tatlo—at maging ang nasa hustong gulang na biktima.
Tinuligsa naman ni President Emmanuel Macron ang stabbing incident. RNT