Home METRO 3 patay, 14 sugatan sa naaksidenteng van sa TPLEX

3 patay, 14 sugatan sa naaksidenteng van sa TPLEX

MANILA, Philippines – Tatlo ang patay habang 14 ang sugatan na pawang mga magkakamag-anak, nang pumutok ang gulong ng sinasakyan nilang van sa Tarlac – Pangasinan – La Union Expressway (TPLEX).

Sa ulat, nangyari ang insidente alas-9 ng umaga nitong Sabado, Pebrero 10, habang binabagtas ang TPLEX sa Tomana West, Rosales, Pangasinan.

Nang pumutok ang gulong ng van ay sumadsad ito sa barrier ng expressway at nagpaikot-ilkot.

Nasawi ang 76-anyos na babae at dalawang lalaki na may edad 30 at 32.

Sugatan naman ang 14 na pasahero ng van kabilang na ang drayber nito.

“Ang tantiya ko du’n, overload po. Kasi ‘yung gulong ng… ano nu’n eh 14-15. Eh ang sakay niya is 17. Siyempre long distance, hindi nakayanan ng gulong… pumutok,” pahayag ni PCMS Marlon Pala, Investigator, Rosales Police sa panayam ng GMA News.

Galing ng Caloocan ang magkakamag-anak at patungo sana sa Manaoag, Pangasinan para magsimba.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. RNT/JGC

Previous articleBayad sa voter’s certification inalis ng Comelec
Next articleKanselasyon ng pasaporte ni Teves, malugod na tinanggap ng asawa ni Degamo