Home METRO 3 patay, 5 sugatan sa bumagsak na Balete tree

3 patay, 5 sugatan sa bumagsak na Balete tree

385
0

MANILA, Philippines- Tatlo ang patay kabilang ang dalawang taong gulang na lalaki nang mabagsakan ng puno ng balete ang mga bahay sa Estero de Magdalena, sa Recto Avenue, Binondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.

Mga larawan kuha ni Crismon Heramis

Kinilala ang mga nasawi na sina Edcel Lansiola, 42, at ang kapwa naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center na mag-amang sina Jomar Portillo, 28, at John Mark Portillo, 2 taong gulang.

Nangyari ang insidente dakong alas-12:46 ng madaling araw ngunit pasado alas-7 na nang umaga ngayong Huwebes nang ma-retrieve ang mga biktima ng mga nagtulong-tulong na responders ng Philippine Red Cross (PRC), Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection at PNP.

Larawan kuha ni Crismon Heramis

Sugatan din ang limang residente na kapwa nagtamo ng multiple abrasions sa kani-kanilang mga katawan.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ilang bahay ang nadamay at ang dahilan ng pagbagsak ng puno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAFP chief bumisita sa EDCA site sa Palawan
Next articlePagbabago sa AFP fixed term, aprub kay PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here