Home METRO 3 patay sa sunog sa Malate!

3 patay sa sunog sa Malate!

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang babaeng magkapatid at isa nilang kaanak sa sunog na sumiklab sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 28.

Base sa ulat, nasa edad 21 at walo ang magkapatid na nasawi, habang nasa 47-anyos at bedridden naman ang isang pang nasawi.

Nangyari ang sunog na umabot lang sa ikalawang alarma sa Barangay 732 Zone 80, na nagsimula dakong 6:18 pm.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog. RNT

Previous articleBDO branch inararo ng Fortuner, 6 sugatan
Next articleKelot himalang nakaligtas matapos tumalon sa MOA building