Home METRO 3 patay sa tigdas

3 patay sa tigdas

MANILA, Philippines- Naiulat na nasawi ang tatlong indibidwal sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa tigdas.

Inanunsyo ito ng health minister ng BARMM, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Dalawa sa mga namatay ay mula sa Lanao del Sur habang ang isa ay mula Sulu.

Mula Enero 2024, nasa 600 measles cases ang naiulat sa rehiyon.

Ayon sa health department, makatutulong ang pagpapabakuna kontra tigdas sa pagpigil sa sakit.

Ang tigdas ay nakahahawang sakit na kumakalat mula sa infected individuals sa pamamagitan ng hangin. Naaapektuhan nito lahat ng age groups subalit pinakamadalas tamaan ang mga bata.

Kabilang sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, ubo, sipon, at body rash. 

Anang DOH nitong Huwebes, lahat ng rehiyon, maliban sa Bicol at Central Visayas, ay nakapag-ulat ng pagtaas ng measles cases sa nakalipas na buwan.

Ayon kay Health Secretary Herbosa, nilalayon nilang mabakunahan ang nasa 90% ng high-risk population, partikular ang mga batang edad anim na buwan hanggang 10 taong gulang, upang makontrol ang tigdas sa bansa. RNT/SA

Previous articleNAIA bilang sunod na BGC iminungkahi ng DFA chief
Next articleRabiya, dedma sa password ng cellphone ni Jeric!