TAIWAN – Inaresto ang tatlong Pilipino sa bansang ito dahil sa umano’y pagtatangkang magpuslit ng ilegal na droga, ibinunyag ni Manila Economic Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III, Huwebes, Oktubre 12.
Sinabi ni Bello na lahat ng tatlong Pinoy ay nahuli sa airport at may bitbit na nasa 10 kilo ng iligal na droga.
Dalawa sa mga naaresto ay nahuli noong Setyembre 28 dahil sa umano’y pagdadala ng high grade cocaine. Parehong may hawak ng tourist visa.
Naharang ang ikatlong Pilipinong naaresto dahil sa pagdadala umano ng halos dalawang kilo ng iligal na droga noong Oktubre 11. RNT