MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong manlalayag na Pinoy nang masapul ng isang Russian missile ang isang civilian cargo vessel na papasok sa Black Sea port ng Odesa.
Ang tatlong Pinoy ay kabilang sa naiulat na apat na sugatan, habang isa naman ang nasawi dahil sa nasabing atake, ayon sa awtoridad ng Ukraine.
Wala pang pahayag ang Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa mga Filipino casualties.
Ayon sa Infrastructure Minister ng Ukraine, ang sasakyang pandagat, na nasa ilalim ng bandila ng Liberia, ay dapat maghatid ng iron ore sa China.
“The missile hit the superstructure of a civilian vessel under the flag of Liberia, at the moment of its entry into the port,” ayon sa southern military command ng Ukraine. RNT