Home NATIONWIDE 3 senador umalma sa Cha-Cha ni Padilla

3 senador umalma sa Cha-Cha ni Padilla

111
0

MANILA, Philippines- Matinding inalmahan ng tatlong senador ang panukalang charter change na isinusulong ni Senador Robin Padilla upang amendahan ang economic provision ng 1987 Constitution dahil hindi kailangan sa kasalukuyang panahon.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Nancy Binay, Aquilino “Koko” Pimentel III at Grace Poe na hindi dapat maging prayoridad ng Lehislatura ang pag-aamyenda sa Saligang Batas dahil maraming problemang kinahaharap sa bansa tulad ng inflation, kawalan ng trabaho at korapsiyon.

Tulad ni Poe, sinabi ni Binay na matagal nang natugunan ng Kongreso ang pangunahaing economic liberalization law kung gustong aamendahan ang economic provision sa Saligang Batas.

“If we’re talking about amendments to the economic provisions in the Constitution, we’ve already addressed that in the last Congress with three vital economic liberalization laws that are intended to boost our economy and global competitiveness,” ayon kay Binay.

Kapwa binanggit nina Binay at Poe ang batas pang-ekonomiya na matagal nang nagawa ng Kongreso upang makahabol ang Pilipinas sa pagbabago ng kalakaran sa pandaigdigang merkado.

“Eto ‘yung Public Service Act (PSA), Retail Trade Liberalization Act and the Foreign Investments Act,” anila.

Sinabi pa ni Binay na itong batas ang repormang pang-ekonomiyang ginawa ng Kongreso upang tugunan ang kakakulangang probisyon sa Saligang Batas at sagot sa isyu ng foreign equity limitation sa utilities, power, telecoms, transport at aviation, infra, at iba pang sektor.

“The country is still recovering from the impact of the pandemic, but we’re confident these reforms are sufficient to encourage investors and help revitalize our economy,” giit niya.

Idinagdag pa ni Binay na masyadong divisive ang charter change at kailangan din natin na paghandaan ang posibleng global recession na dapat pagtuunan, hindi ang pagbabago ng Saligang Batas.

“Dapat doon tayo mag-focus sa mga isyu na direktang nakakabit sa sikmura tulad ng presyo ng mga pangunahing bilihin, mga problema sa agrikultura, tutukan natin ang health sector at bigyang pansin yung mga isyu sa marginalized sectors kagaya ng ating mga magsasaka’t mamamalakaya, at talagang mahaba-haba pa ang listahan ng mga problema natin,” aniya.

“Kung priorities lang naman po ang pag-uusapan, ang usapin ng Charter Change eh medyo lihis sa kumakalam na sikmura—’di po kasama ang con-ass sa ulam ng bawat pamilyang Pilipino,” giit pa ng senadora mulang Makati City.

Sinabi naman ni Pimentel na abala ang lahat ng ating mamamayan sa pakikipaglaban sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya kahit kailangan ang pagbabago sa Saligang Batas upang mapaunlad ang sistema ng gobyerno, maaari itong makapaghintay habang tinutugunan ang basic daily living problems ng bansa.

“Like: where to get food to feed the family, the continued increase in prices (inflation), where to get a job, corruption, the high cost of living and even of dying, and many more basic problems,” ayon kay Pimentel.

“Also, why prioritize the changing of the economic provisions in the Constitution when what needs to be changed are the political provisions?,” dagdag niya.

Iginiit naman ni Poe na naipasa ng 18th Congress ang ilang panukalang batas na tutugon sa economic restrictions sa ilalim ng 1987 Constitution, kaya’t hindi na kailangan pang amendahan ito.

“As for the economic provisions, we’ve passed major legislations that clarified the economic provisions of the Constitution,” aniya sa text messages.

“The Public Service Act [and] Trade Liberalization Act, are both meant to encourage more investments, employment and economic growth. There’s no need at the moment for a Con-Ass, unless the proponents are pushing for another agenda,” giit niya.

Nitong Miyerkoles, inihain ni padilla ang Resolution of Both Houses No. 3 na naglalayong amendahan ang ilang economic provision sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

“These economic provisions are perceived to be barriers to trade and investment responsible for the continuous decline of foreign direct investments,” ayon kay Padilla sa resolution.

Aniya, kahit may inihahandog na tax holidays at iba pang fiscal incentives, nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa ibang bansa sa ASEAN sa foreign direct investment registry dahil sa kumplikadong regulasyon sa pamumuhunan na nagsimula sa paghihigpit ng Saligang Batas. Ernie Reyes

Previous articlePaglago ng PH manufacturing, bumagal noong Dec. 2022
Next articleMga nasunugan sa QC, tinulungan ni Bong Go