Home METRO 3 sugarol ng tong-its, tiklo

3 sugarol ng tong-its, tiklo

TUMAUINI, Isabela – Tiklo ang tatlong katao na sugarol sa tong-its matapos maaktuhan nagsusugal ng pulisya sa Purok 1, Barangay Lingaling dito sa nabanggit na bayan.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Melchor Aggabao, hepe ng Tumauini Police Station kay PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang tatlong suspek ay kinilalang sina Martin Tantit, 63 anyos, Michael Joe dela Peña, 32 anyos at Josephine Guiyab, 52 anyos na kapwa residente sa naturang lugar.

Narekober ng pulisya ang isang set ng baraha, P960, lamesa at towel.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong may kinalaman sa PD 1602. Rey Velasco

Previous article2 wanted nalambat sa Pasay at Parañaque
Next articleMga ipinapasadang e-trike hinuhuli na sa Taguig