Home METRO 3 sugatan sa nasunog na industrial building sa Valenzuela

3 sugatan sa nasunog na industrial building sa Valenzuela

180
0

MANILA, Philippines – Tatlong katao ang sugatan sa naganap na sunog sa isang industrial building sa Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Sa inisyal na ulat nakalap mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang mga biktima ay tinatayang nasa mga edad na 70, 56, at 28 taong gulang.

At habang isinusulat ang balitang ito, wala pa ring pagkakakilanang ang mga nasugtan at ang kani-kanilang kasarian.

Patuloy pa ring bineberipika ang iba pang detalye ukol rito.

Ayon sa BFP na itinaas sa unang alarma ang sunog na tumama sa isang gusali sa Hermosa Street dakong alas-7:26 ng umaga at umakyat sa ikalawang alarma alas-8:01 ng umaga.

Dakong alas- 8: 54 ng umaga nang makontrol ng mga bumbero ang sunog.

Naapula naman ito bandang 9:02 ng umaga.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang halaga ng pinsala sa ari-arian na dulot ng sunog maging ang kadahilanan nito. Merly Iral

Previous articleBangkay ng lalaking walang saplot kinapon
Next articleAkala’y isda, shabu pala inilalako; 2 vendor arestado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here