Home METRO 3 sugatan sa sunog sa Valenzuela

3 sugatan sa sunog sa Valenzuela

MANILA, Philippines – Tatlo ang sugatan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Barangay Lingunan, Valenzuela City nitong Biyernes ng umaga, Marso 15.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagtamo ng first-degree burn sa noo ang 2-anyos na bata, habang nagtamo naman ng kaparehong pinsala sa braso ang 50-anyos na babae.

Dagdag pa, nagkaroon ng sunog sa kaliwang balikat at braso ang 32-anyos na babae.

Nagsimula ang sunog 8:27 ng umaga at umabot sa ikalawang alarma 8:40 ng umaga.

Idineklara namang fire out ang sunog 9:29 ng umaga. RNT/JGC

Previous articleQuezon niyanig ng magkasunod na lindol
Next articleJapanese gang leader, nakatakdang ipa-deport ng BI