Home NATIONWIDE 3 sundalong kano, 20 iba pa sugatan sa drone attack sa Syria

3 sundalong kano, 20 iba pa sugatan sa drone attack sa Syria

MANILA, Philippines – PATAY ang tatlong Amerikanong sundalo at 20 iba pang Amerikano rin sa isang atake ng drone sa kanilang kampo sa Syria kanina lamang.

Hindi agad pinangalanan ng mga awtoridad sa kampo ang mga biktima subalit sinasabing maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga namatay mula sa mga seryosong nasugatan na itinakbo sa ospital sa Jordan.

Inako naman kaagad ng Islamic Resistance ng Iraq ang pag-atake subalit hindi pa matiyak ng pamahalaang United States kung totoo o hindi, sabay-sabi ni US President Joe Biden na gaganti sila.

Naganap ang pangyayari sa Al-Rukban Camp na malapit sa Tower 22 sa hangganan ng Syria at Jordan.

Ito ang unang pangyayari na mamatayan ang mga Amerikano simula noong Oktubre 7, 2022 na simula ng giyerang Hamas-Israel. Fred Cabalbag

Previous articleGov’t workers posibleng ‘required’ dumalo sa ‘Bagong Pilipinas’ rally – Bayan
Next articleHinihinalang lider ng robbery-carnap group arestado sa Taguig