Home METRO 3 suspek nagpanggap na BFP safety inspector, arestado sa Aklan

3 suspek nagpanggap na BFP safety inspector, arestado sa Aklan

MANILA, Philippines – Tatlong suspek ang arestado sa Aklan matapos magpanggap na tauhan ng Bureau of Fire Protection para makapanloko ng mga negosyo.

Kinilala ang mga inaresto na sina Cherry Grace De Leon, 28 anyos, Jeric Bato Ampo Ramirez, 29 anyos at Mary Juachon, 30 anyos sa isang checkpoint sa Altavas, Aklan kung saan naituro ng mga biktima si Leon bilang pangunahing suspek.

Ayon sa mga biktima, dumating sa isang gasolinahan ang mga suspek at nagpakilalang tauhan ng BFP na magsasagawa umano ng fire safety inspections.

Tatanggap ang mga suspek ng order at bayad para sa fire extinguishers at hindi na babalik.

Sa inisyal na impormasyon na inilabas ng Aklan Police, target ng mga ito ang mga negosyo sa Boracay, Malay, Nabas, Banga at Batan.

Pinaghahandaan na ang nararapat na kasong ihahain laban sa mga suspek. RNT/JGC

Previous articleListahan ng 388 missing sa Hawaii wildfire inilabas na
Next articleObiena silver sa 2023 World Athletics Championship