Home METRO 3 tiklo sa P1.1M shabu

3 tiklo sa P1.1M shabu

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong indibidwal na sangkot sa bulto-bultong distribusyon ng shabu sa Metro Manila at Central Luzon sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ang mga naaresto na sina Alexander Miguel Flores, 23-anyos, residente ng Taguig City; Jayson Legaspi Torrevillia, 35-anyos, residente ng Cainta, Rizal at ang babaeng si Maricar Marcelino, 39-anyos at residente ng Mandaluyong City.

Nakuha sa mga naarestong suspek ang dalawang (2) piraso ng ice plastic bag na naglalaman ng humigit kumulang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 1,360,000.00; isang (1) cell phone; at ang marked money na ginamit ng undercover na ahente.

Ang mga narekober na shabu ay ipapasa sa PDEA Laboratory para sa forensic examination.

Isinagawa ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Central Luzon, PDEA NCR at PNP-SPD DDEU.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT

Previous article23 estudyante sinapian ng masamang espiritu sa Isabela
Next articleBASAHIN: Pahayag ng DENR sa pagkasira ng coral reefs sa WPS