Home METRO 3 tiklo sa P544,000 shabu

3 tiklo sa P544,000 shabu

MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga pulis ang kabuuang P544,000 halaga ng illegal drugs mula sa dalawang babae at isang lalaki na natukoy bilang high-value individuals (HVIs) sa Marikina City nitong Huwebes.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director Wilson Asueta ang mga suspek na sina Marcelo Grande Jr., 39; Fatima Pastores, 35; at Bainot Mangulamas, 33.

Isinagawa nag buy-bust operation dakong ala-1:10 ng umaga sa Jaybee Street sa Barangay Nangka, Marikina City.

Bumili ang isang poseur-buyer mula sa Marikina Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng single plastic sachet ng hinihinalang shabu mula kay Grande Jr. at kanyang mga kasabwat na sina Pastores at Mangulamas, na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Halos 80 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544,000, na nakalagay sa 10 plastic sachets, ang narekober mula sa mga suspek.  

Kabilang din sa nakumpiska mula sa kanila ang Rusi 125 motorcycle, P500 bill na buy-bust money, at tatlong piraso ng P100 bill.

Kasalukuyang hawak ng Marikina police ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articleCastro pumalag sa ‘pag-uugnay’ ng ACT party list sa CPP/NPA
Next articleChinese envoy Huang Xilian idineklarang persona non grata ng Kalayaan LGU