Home METRO 3 tiklo sa Taguig sa P1.7M shabu

3 tiklo sa Taguig sa P1.7M shabu

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng P1.7 milyon halaga ng shabu sa Taguig City.

Sa ulat, kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina Mark Christian Saldo, 25, Woody Dela Cruz, 48, at Charlie Corpuz, 38 – lahat ay naaresto sa Taguig noong Disyembre 14.

Samantala, tinutunton pa ng mga operatiba ang isang suspek na kinilalang sa alyas na “Leo Mar” matapos makatakas.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC

Previous articleDOF nagbabala sa mga nagkalat na scammer sa Telegram
Next articleJake, may hanash sa Kapamilya!