Home METRO 3 tiklo sa tobats sa Taguig

3 tiklo sa tobats sa Taguig

MANILA, Philippines – Nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng Taguig City police ang tatlong indibdwal na nahulihan ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na P281,656 nitong Miyerkules, Pebrero 21.

Unang naaresto sina alyas Arturo, 38, at alyas Kristine, 24, sa isinagawang operasyon ng nga tauhan ng Taguig police Maharlika Substation sa Barangay Central Bicutan sa bisa ng search warrant na inisyu ni Taguig Regional Trial Court (RTC) Judge Bernard Pineda Bernal ng Branch 70.

Sa pagpapatupad ng search warrant ay narekober sa posesyon ng mga suspects ng 14 plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 15.42 gramo at nagkakahalaga ng P104,856.

Sunod namang naaresto si alyas Arnhi, 31, tricycle driver, na nasa listahan ng drug watchlist bilang street level individual (SLI), dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nadakip si alyas Arnhi habang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga tauhan ng Substation 5 sa Barangay Calzada-Tipas, Taguig City.

Sa pagsisiyasat sa suspect ay narekober sa posesyon nito ang 26 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P176,800.

Ang mga narekober na ilegal na droga ay dinala sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act Law) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. (James I. Catapusan)

Previous articleTrak bumangga sa center island ng tulay, tumagilid
Next articleSubpoena ng Senado natanggap na ng kampo ni Quiboloy