Home METRO 3 timbog sa cara cruz; P340K droga nasamsam

3 timbog sa cara cruz; P340K droga nasamsam

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Poblacion Sub-Station ng Makati City police ang tatlong suspek kabilang ang isang babae na nahuli sa aktong nagsusugal ng cara y cruz at narekober sa kanilang posesyon ang ₱340,000 halaga ng shabu, Lunes ng madaling araw (Enero 22).

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) sa Makati City police ay nakilalaang mga inarestong suspect sa mga alyas lamang na Jonas, 20; alyas Mark, 25; at alyas Mary Grace, 40, isang masahista.

Ayon sa ulat ng Makati City police, naganap ang pag-aresto sa mga suspects dakong alas 2:30 ng madaling araw sa Laperal Compound, Bernardino St., Guadalupe Viejo, Makati City.

Nauna dito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Poblacion Sub-Station na may mga nagsusugal ng cara y cruz sa nabanggit na lugar kung kaya’t agad na rumesponde ang mga ito kung saan nahuli sa akto ang mga suspects na nagdulot ng kanilang pagkakaaresto.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang kabuuang ₱520 na perang pinaglalabanan, tatlong ₱.25 centavo coin na ginagamit bilang pangara, at limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo na nagkakahalaga ng ₱340,000.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabaag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Presidential Decree (PD) 1602 (Illegal Gambling-Cara y Cruz). (James I. Catapusan)

Previous articleRider utas sa Victory Liner
Next articleLeBron ‘di lalaro sa Lakers-Clippers showdown