Home METRO 3 timbog sa Muntinlupa buy-bust ops, higit ₱108K shabu nakumpiska

3 timbog sa Muntinlupa buy-bust ops, higit ₱108K shabu nakumpiska

MANILA, Philippines – Nadakip sa ikinasang buy-bust opeation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcment Unit (SDEU) ng Muntinlupa City police ang tatlong suspects na nakuhanan ng ₱108,800 halaga ng shabu sa lungsod Miyerkules ng madaling araw, Mayo 22.

Kinilala ng Muntinlupa City police ang mga inarestong suspects na sina alyas Joey, 35; alyas Koko, 31; at isang alyas Baldo, 32.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang pag-aresto sa mga suspects sa isinagawang buy-bust operation dakong alas 3:10 ng madaling araw sa kahabaan ng Baywalk, Barangay Bayanan, Muntinlupa City.

Sa isinagawang operasyon ng SDEU ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang apat na plastic sachets na naglalaman ng kabuuang 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱108,800 at ang buy-bust money na ₱500 na ginamit sa operasyon.

Ang nakumpiskang di-umanoy ilegal na droga ay dinala sa SPD Forensic Unit upang sumailalim sa qualitative at quantitative analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Muntinlupa City police. James I. Catapusan