Home METRO 3 timbog sa P.2M shabu sa Taguig buy-bust

3 timbog sa P.2M shabu sa Taguig buy-bust

Nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) ang tatlong di-umanoý tulak ng ilegal na droga, kabilang ang dalawang kababaihan, makaraang makuhanan ang mga ito ng ₱224,000 halaga ng shabu sa Taguig City Miyerkules ng gabi, Hunyo 26.

Sa report na natanggap ni SPD Director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete ay nakilala ang tatlong suspect na sina alyas Paulene, 26; alyas Daisy, 19; at isang menor de edad na 17-taong-gulang na estudyante.

Sinabi ni Rosete naganap ang matagumpay na buy-bust operation ng DDEU dakong alas 11:30 ng gabi sa Brgy. Tuktukan, Taguig City.

Ayon kay Rosete, sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang 30 gramo ng hinihinalang shabu nagkakahalaga ng ₱224,000; isang android cellular phone at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang nakumpiskang ilegal na droga, na gagamitin sa pagsasampa ng kaso bilang ebidensya labn sa mga suspects, ay dinala sa SPD Forensic Unit upang sumailalim sa qualitative at quantitative analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng DDEU ang mga suspects na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangeous Drugs Act of 2002) ang mga suspects sa Taguig City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)