Home METRO 3 trafficking victims nasagip ng BI

3 trafficking victims nasagip ng BI

MANILA, Philippines- Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong babaeng nagpanggap na turista patungong Vietnam sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) nitong Sabado.

Ayon sa pahayag nitong Martes, nagpakilala ang tatlong biktima sa primary inspection bilang mga turista patungo sa four-day trip sa Hong Kong sakay ng Royal Air Flight. 

Kalaunan ay inamin ng mga babae, na hindi pinangalanan para sa kanilang proteksyon, na sa Vietnam talaga sila pupunta sa pamamagitan ng pagdaan sa Hong Kong upang sumailalim sa hiring process para sa isang kompanya.

Dinala ang mga biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon.

Binigyang-diin ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na kailangan ng wastong proseso para sa pag-aapply ng trabaho sa ibang bansa.

“It is crucial  documents, and be cautious of schemes that exploit their vulnerability. Remain vigfor aspiring overseas workers to undergo the right processes, secure the appropriateilant and always seek the help of authorized agencies, especially amid the influx of international passengers who will be vacationing during the holidays,” ani Tansingco. JAY Reyes

Previous articleHalos 100 kabahayan nasunog!
Next articlePark Eun-bin, inalok ng psychopath role sa upcoming medical drama?