Home METRO 3 Tsino, 25 katao arestado sa P21.8-M ismagel na sigarilyo

3 Tsino, 25 katao arestado sa P21.8-M ismagel na sigarilyo

BATANGAS – Arestado ang 33 katao kabilang ang walong Chinese Nationals dahil sa ismagel na sigarilyo sa isinagawang  buy-bust operation sa magkahiwalay na warehouse sa Agoncillo, Batangas.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang kahon na naglalaman umano ng sigarilyo (New Two Moon) na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa halagang P32,000 at dalawang bundle na buy-bust money na 200,000 kabilang ang boodle money.

Samantalang sa isinagawang follow operation narekober din ang apat na production machines, 30 sako na naglalaman ng pure tobacco and packing materials, 331 karton ng sigarilyo na nakumpiska sa Adia warehouse at 341 karton naman na nakumpiska sa Pansipit Warehouse.

Sa kabuuan ay aabot sa P21,858,200 ang mga nakumpiskang puslit na sigarilyo.

Habang ang mga nakumpiskang kagamitan tulad ng production machines, raw materials, at vehicle ay tinatayang nasa P300 milyon.

“The illegal trade of smuggled cigarettes undermines legitimate businesses, deprives the government of crucial tax revenue, and poses a direct threat to the economic well-being of our community. By dismantling this network, we are not just upholding the law; we are safeguarding the economic interests and prosperity of our country,” ani PB.Gen. Paul Kenneth Lucas. Ellen Apostol

Previous article2 tulak timbog sa P963K ‘damo’ sa Bulacan buy-bust
Next articleBonifacio Day rehearsal