Home METRO 3 tulak dinamba sa P3.2M marijuana

3 tulak dinamba sa P3.2M marijuana

QUEZON, Isabela – Nasamsam sa buy-bust operation sa Barangay Abut dito sa Araw ng mga Puso ang hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.

Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng droga na itinuturing na high-value target.

Narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-lsabela mula sa mga suspek ang 23 brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa brick form na may kabuuang 27 kilo na nagkakahalaga ng P3.2 milyon, isang motorsiklo, isang mobile phone, at ang buy-bust money. .

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario

Previous articleKris, ipapasok sa ospital, may bagong gamot na susubukan!
Next articleMatataas na kalibre ng baril, bala’t magazine, narekober