3 ‘tulak’ dinamba sa P700K shabu

3 ‘tulak’ dinamba sa P700K shabu

March 25, 2020 @ 6:25 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Arestado ng Las Pinas City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation at nakumpiska sa kanila aang P659,000 halaga ng shabu Martes ng hapon.

Kinilala ng Las Piñas City police ang mga inarestong suspects na sina Ferdie Canlas, 51, ng Aristocrat Village, Barangay Talon 3, Las Pinas City; Edwin Salas, 49, mekaniko, residente ng BF Homes, Las Pinas City, at Michaela Valenzuela, 23, ng  Sinag Tala, BF Homes, Paranaque City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nasakote ang mga suspects sa inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU bandang alas 4:55 ng hapon sa El Grande Avenue, Barangay CAA, BF International, Las Pinas City.

Nauna dito, nakatanggap ng impormasyon ang lokal na pulisya tungkol sa iligal na aktibidad ng mga suspects at ipinaailalim sa surveillance operation ang mga ito.

Makaraang magpositibo ang nakuhang impormasyon ng pulisya laban sa mga suspects ay agad na nagkasa ng buy-bust ang SDEU na naging dahilan ng pagkakaaresto ng mga suspects.

Sa pagsasaliksik ng mga operatiba ay nakuhanan ang mga suspects ng 97 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P659,600.

Ang mga nakumpiskang shabu ay dinala sa Southern Police District Crime Laboratory para isailalim sa chemical analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Pinas City police ang mga suspects habang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 ang isasampa laban sa kanila sa Las Piñas City prosecutor’s office. James I. Catapusan

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...