Home METRO 3 tulak laglag sa P1M ‘bato’ sa Bulacan buy-bust ops

3 tulak laglag sa P1M ‘bato’ sa Bulacan buy-bust ops

Oplus_0

Bulacan – Arestado ang tatlong indibidwal matapos umanong mahulihan ng P1,026,800 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ang mga suspek na sina Henry Reyes, 52, single, driver residente ng Brgy. Pala-pala, Larry Carmen, 43, single, driver at Jaycel Magdalena, 21, single, jobless kapwa residente ng Brgy. Bahay Pare, Candaba, Pampanga.

Sa report ni San Ildefonso chief of police PLTCOL Russel Dennis Reburiano kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, naganap ang operasyon bandang alas-9 ng gabi nitong Hunyo 13 sa Brgy. Pala Pala.

Sinasabing nakumpiska sa operasyon ang nasa 151 gramo ng hinihinalang shabu at may standard drug price na P1,026,800.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III