Home METRO 3 tulak ng tobats, balik-rehas

3 tulak ng tobats, balik-rehas

SANTIAGO CITY – Balik himas-rehas na bakal ang tatlong pinaniwalaan umanong adik matapos mahuli sa pagtutulak o drug buy bust operation ng otoridad sa Purok 6, Barangay Patul, Santiago City.

Nasa kulungan na ang suspek na si Noel Alcantara, 41 anyos, construction worker, na residente ng Rizal, Santiago City.

Aabot sa 0.6 gramo ng shabu ang nakuha sa suspek sa pamamagitan ng inilatag na buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli nito.

Kasunod ang pagkakadakip ng dalawang magkaibigan na sina Alter Lopez, 44 anyos, fruit stand vendor at Eugenio Baligod, 32 anyos, pintor na kapwa mga residente ng Rizal Santiago City.

Nakuha sa mga suspek ang isang small heat sealed transparent plastic sachet na droga na may bigat na 1. 6 gramo na may katumbas na P10,880.

Isa pang small transparent plastic sachet ang nakuha sa isa sa mga suspek na may timbang na 0.8 gramo at nagkakahalaga ng P5,440.

Kabilang ang isang itim na Android phone, P6,200 na buybust money at isang motorsiklo na ginagamit sa kanilang pagbebenta ng illegal na droga.

Matatandaan ang tatlong suspek ay nakalaya noong 2019 sa parehas na kaso kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

Previous article2 patay sa matinding pag-ulan sa Eastern Visayas – OCD
Next article2 durugista isinelda sa P70K shabu sa Navotas