Home METRO 3 tulak timbog sa P1M shabu

3 tulak timbog sa P1M shabu

COTABATO CITY- Nadakip ng mga awtoridad sa Lanao del Sur nitong Huwebes ang tatlong hinihinalang tulak sa isang anti-drug operation sa bayan ng Tugaya at nakuhanan din sila ng P1 milyong halaga ng meth.

Sinabi ni Brig. Gen. Allan Nobleza, police director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na nagkasundo ang tatlo na ibenta ang ilegal na droga sa isang undercover agent sa Barangay Sugod Mawatan.

“They are considered high-value targets,” ani Nobleza sa mga suspek na nakuhanan ng caliber .45 pistol, buy-bust money at iba pang paraphernalia sa paggamit ng meth.

“A brief firefight ensued between the suspects and the operating units but eventually led to the arrest of the suspects,” paglalahad ni Nobleza.

Aniya, nasabat ng police team ang halos 160 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,087,320.

“I would like to commend civilian informants who provided us information leading to the successful anti-drug operation,” pahayag ni Nobleza.

“Rest assured of continuous and intensified anti-drug campaign to rid BARMM of illegal drugs,” patuloy niya.

Kasalukuyang nakaditene sa Lanao Sur police provincial office sa Marawi City, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articleMagna Carta for Public School Teachers, rerebisahin ng solon
Next articleKagawad, kalaguyong senior huli sa akto!