Home METRO 3 turistang Malaysian pinagbawalang makapasok sa bansa sa masamang ugali – BI

3 turistang Malaysian pinagbawalang makapasok sa bansa sa masamang ugali – BI

MANILA, Philippines – Pinagbawalan nang makapasok ng Pilipinas ang tatlong turistang Malaysian dahil sa pagpapakita ng “rude and disrespectful behavior” sa immigration officers, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Nobyembre 25.

Ayon sa BI, ang lalaking pasahero ay kinilalang si Tan Hoong Kiat, habang ang dalawang babaeng kasama niya ay kinilalang sina Lim Fong Teng at Khoo Seok, na pinagbawalang makapasok sa bansa nitong Biyernes ng gabi matapos lumapag sa Ninoy Aquino International Airport sa isang flight mula Hong Kong.

Sinabi ng BI na ang naturang mga Malaysians ay pinabalik matapos na “uttering insulting and unpleasant words” sa immigration officers na humiling lamang sa mga ito na ipakita ang kanilang return tickets.

Sa ilalim ng umiiral na batas, dapat na ipaita ng foreign visitors ang kanilang return tickets sa immigration officers sa mga paliparan.

Ang hindi pagpapakita nito ay magiging dahilan upang hindi sila payagang makapasok sa pagiging “improperly documented aliens.”

Ayon pa sa BI, iniulat din umano na habang ipinapaliwanag ng immigration supervisors kung bakit kailangang ipakita ang kanilang mga ticket, ang mga pasahero umano ay naging “rude, shouted expletives, and refused to calm down.”

Dagdag pa, walang maipakitang return tickets ang mga ito.

Agad na ipinag-utos ni BI Chief Norman Tansingco na isama ang tatlong turista sa blacklist, nangangahulugan na bawal na silang pumasok sa bansa kahit kailan.

“Foreigners who come here should display accord respect and courtesy to persons of authority of their host country. Their stay here is a mere privilege and not a right, hence they should not malign and insult our immigration officers,” saad sa pahayag ng BI.

“A memorandum order issued by the BI more than a decade ago also provides for the outright denial of entry to aliens who are rude and discourteous when being processed and interviewed by BI officers upon their arrival,” dagdag pa. RNT/JGC

Previous articleInfra damage sa Eastern Visayas sa baha, umakyat na sa P469M
Next articleCamarines Norte naka-red alert sa masamang panahon