AUSTRALIA – Patay ang tatlong US Marines nang bumagsak ang eroplano sa northern Australia kasabay ng routine military exercise ng mga ito.
Ayon sa pahayag ng Marine Rotation Force-Darwin, ang lima iba pang nasaktan ay naibyahe na patungo sa Royal Darwin Hospital na nasa seryosong kondisyon.
Kabilang sila sa 23 Marines na sakay ng MV-22B Osprey tilt-rotor aircraft na bumagsak.
Hindi pa tukoy kung ano ang sanhi ng pagbagsak nito.
Nangyari ang insidente sa remote Tiwi Islands bandang 9:30 ng umaga.
Tinawag naman ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang insidente bilang “tragic,” sabay-sabing ang Osprey ay sumusuporta sa Exercise Predators Run 2023 military exercise.
Wala namang Australian personnel ang nadamay sa pangyayari.
“Our focus as a government and as a department of defense is very much on incident response and on making sure that every support and assistance is given at this difficult time,” sinabi ng prime minister sa nakalipas na scheduled press conference sa Western Australia.
Nasa 2,500 sundalo mula sa Australia, US at Pilipinas, maging ang Indonesia at East Timor ay nakikilahok sa naturang exercises.
“Australian and US personnel have stood shoulder to shoulder for more than a century,” ayon kay Albanese at Defence Minister Richard Marles.
“This incident is a reminder of the significance of the service undertaken by our personnel and those of our partner nations.”
Noong nakaraang buwan lamang ay apat na sundalo ng Australia ang nasawi nang bumagsak din ang helicopter na ginagamit nito kasabay ng malaking bilateral exercises sa dalampasigan ng Queensland. RNT/JGC