Home METRO 3 vloggers dinakip sa kidnap prank!

3 vloggers dinakip sa kidnap prank!

279
0

MANILA, Philippines- Arestado ang tatlong vloggers matapos magsagawa ng kidnapping prank na ikinagalit at ikinabahala ng publiko, ayon sa Philippine National Police (PNP)  nitong Lunes.

Inihayag ng PNP na nasa kustodiya nito mula August 1 ang tatlong content creators sa likod ng Tukomi — na kasalukuyang mayroong 4.2 milyong followers sa Facebook at 4.2 milyong subscribers sa Youtube — base sa warrant of arrest para sa alarm and scandal.

Nag-ugat ang pag-aresto sa insidente noong April 6 sa Barangay CAA, Las Piñas City, kung saan nagsagawa sina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael, at Eleazar Steven Fuentes ng tagpo kung saan dinukot ng mga kalalakihang nakasuot ng itim na bonete ang isang indibidwal sa daan.

Ang hindi nila batid, nasaksihan ni PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) member Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo ang “meticulously orchestrated” scenario, dahilan upang maghain siya ng criminal complaint laban sa vloggers.

“Pranks that induce panic and disrupt public order cannot be taken lightly. We commend our personnel for their swift action in this instance,” giit ni PNP chief Benjamin Acorda.

Kalat ang video at sa kasalukuyan ay mayroon nang 817,000 views sa Youtube. 

Bagama’t pinalaya ang tatlo noong August 2 kasunod ng due legal procedures at bail payment, nakatakda ang kanilang arraignment sa August 10 sa Las Piñas court.

“This incident serves as a poignant reminder of the imperative for responsible online conduct and the far-reaching consequences arising from flouting the law,” anang PNP. RNT/SA

Previous articleMarco, inaming ‘di na friend si Edward!
Next articleFarmers’ groups humirit ng tulong kasunod ng pananalasa ni ‘Egay’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here